Monday, June 12, 2006

rain in my heart....



"waiting for you is like waiting for a rain in this drout,useless and dissapointing"
hilary duff (cinderella story)





i love it when it rains, refreshing kasi...but not the lightning and thunder that goes with it



i went to giselle's house pala kanina....we played unggoy ungguyan...or pares pares sa ibang salita...




here we are JOAN,ME,and MARY ANNE na sobrang madaya...
masaya naman ang consequence na nakuha namin hehehe

FANATIC AKO



i watched "my favorite show" last night and the guest was ANGGE LEE (talent coordinator)

wala lang nag kwento lang siya na she started as a fan----fan of Susan Roces...

kung paano niya sundan si susan sa mga taping at kung saan saan pa.........

kung bakit ko ba sinulat ang entry na to....

simple lang ang dahilan fan din kasi ako eh...hindi nga lang ni Susan Roces...

fan ako ng bandang
SPONGECOLA!!!!




di ko kinahihiya yun...pero syempre si YAEL ang pinaka gusto ko,...adik na nga raw ako sa kanya sabi ng bf ko nung nasabi ko na nahanap ko ang blog ng gf niya..kulang na lang daw pati brand ng underwear ni yael ay alamin ko...(anu nga kaya brand hehehe)







minsan naiisip ko lang anu napapala ko sa pag aadmire sa kanila..di naman nila ako mapapansin (haha NARDA!!!)...

sa totoo lang ito yung ibang natutunan ko nung naing fan ako ng spongecola..

1. natuto akong mag appreciate ng mga simpleng bagay (mga simpleng hi or smile mula sa kanila okay na ko hehehe)

2.natuto akong magtipid (para makapunta sa gigs kahit dalawa pa lang ang napuntahan ko)

3.talagang todo bigay ako sa paghahanap ng trabaho..(para magkapera at masundan ko na sila hehehe)

4.matututo kang magpasensiya (mahaba haba ang pila sa backstage)

5.natuto akong maging loyal ( pero love ko din HALE hehehe)

6. it helped me to have a goal or direction (nAKKKKSSS)

i've been telling my friends na gusto ko ng magtrabaho...para makapag masteral ako sa ATENEO, atenista kasi si yael eh...hahahaha (sana matupad ko to)

Saturday, June 10, 2006

all i ask of you

All I Ask of You
Sarah Brightman & Cliff Richards



No more talk of darkness
Forget these wide-eyed fears
I'm here
Nothing can harm you
My words will warm and calm you
Let me be your freedom
Let daylight dry your tears
I'm here
With you, beside you
To guard you and to guide you

Say you love me every weakening moment
Turn my head with talk to summertime
Say you need me with you now and always
Promise me that all you say is true
That's all i ask of you

Let me be your shelter
Let me be your light
You're safe
No one will find you
Your fears are far behind you

All i want is freedom
A world with no more night
And you
Always beside me
To hold me and to hide me

Then say you'll share with me one love,
One lifetime
Let me lead you from your solitude
Say you want me
And you need me
Beside you
Anywhere you go, let me go too
That's all i ask of you

Say you'll share with me one love
One lifetime
Say the word and i will follow you
Share each day with me,
Each night, each morning
Say you love me
You know i do
Love me, that's all i ask you
Love me, that's all i ask of you

kung adik ka sa blog .....MAGBASA KA!!!

wala lang, i just feel nah when people visits my blog i don't think na nagbabasa sila.....siguro yung iba magtatag lang ng walang kamatayang

"blog leap, or bloghop...." minsan ang makukuha mong comment ay "kewl blog,niceblog"

pero naisip ko yung mga tao kayang napapadpad sa blog ko eh binabasa nila ang entries ko??

kaw naisip mo na rin ba yun??..........

mahilig ako mag BLOGHOP aminado ako dun....

kasi para sa akin..

masarap mangialam sa buhay ng iba........pede ka rin kasing manghimasok eh....sa pamamagitan ng COMMENT SECTION....

sino kaya ang nakaisip ng BLOG???....

naisip ko kasi dati nung bata pa ako meron akong DIARY,
madaming version ang diary...
may plain na notebook (merit,aspen pero nung ako merit kasi mahal ang merit eh)
may notebook na maliit...
notebook na maganda ang cover...
notebook na di maganda ang cover

nung medyo tumanda ako...

diary na de susi na...
yung una ang cover si simba ng LION KING
si mickey mouse...
yung huli puro bears na binili ko sa expressions hehehe

and diary noon tinatago mo para di mabasa ng mga tao ang sikreto mo...
ngayon sa blog pinapaalam mo sa mga tao ang sikreto mo...maga kagaguhan mo, mga pananaw mo etc.

sa totoo lang nung una di ko makita ang kahalagahan ng blog ko....feeling ko kasi walang kwenta.... na mas okay pa yung sarilinin mo na lang lahat.......


pero..............

mali ako dahil mas okay pala kung maraming nakakaalam ng nararamdaman mo....


__________________________________________________________________

GAYA GAYA PUTO MAYA........

amityville- BAHAY NI LOLA 2 (staring dingdong dantes and karylle)
exorcist- SANIB (aubrey miles)
somewhere in time-MOMENTS OF LOVE (dingdong dantes ULIT)
notting hill-KAILANGAN KO'Y IKAW (regine velasquez)
unfaithful-SUKDULAN (katya santos)

an pa ang ang unang pumasok sa isip ko eh..............

well well well

ANONG IREREPLY MO PG SINABIHAN KA NG:

1- "sorry na, sorry na talaga, nagsisisi na ko."
>> oo nah (after a week or two hehehe)

2- "bakit ka ba dikit nang dikit sakin?"
>> mukha ka kasing glue

3- "pwede bang maging tayo?"
>> no i'm taken na eh

4- "naaasar ako sayo"
>> akala muh ako hindi?!!

5- "sana kasi hindi ka nangiiwan diba?"
>> kaw din sana

6- "ang manhid mo!"
>> mas manhid ka!

7- "punta tayo sa mall! nuod tayo sine!"
>> 3t muh ko

8- "mahal na mahal na kita. sana tandaan mo yon"
>> promise???

9- "you're too young for me"
>> mas okay yun

10- "nakyukyutan pinsan ko sayo"
>> ako hindi eh

11- "pwede pahingi pic mo?"
>> sure anu gsuto mo may pirma??

12- "sali tayo sa wowowee!"
>> yuck ka naman

13- "crush mo ba ko?"
>> uu kasi nabalitaan ko nauna kang nagka crush sa akin eh

14- "can i kiss you on the cheek?"
>> cheek lang??(hahaha)

15- "we're done. di ko na kaya to"
>> hanggang dyan ka lang pala hmp!!!!!

Sunday, June 04, 2006

the great PRETENDER

"the sadder i am inside, the more i go out of my way to make other people happy." http://nobe112681.blogspot.com/

wala nag blogleap lang ako and i happened to read this entry.......totoo naman eh

and i just realized that we live in a world where you can't show your true self...coz if you do people will hate and curse you....


my father died last thursday...and people who heard the news always ask these questions

"anu kinamatay?", "bakit namatay?", well those quetions are answerable naman di ba??kasi these are based on facts.........


kaya lang ito ang pinaka kontrobersyal na tanung:

"okay ka lang ba?"

kasi pag sinagot mo "okay lang ako" people will think na masaya ka pa dahil namatayan ka...
pag sinagot mo naman ay "hindi" sasabihan ka naman ng "kaya mo yan"

ano ba talaga ang gusto nilang isagot mo...??

sa libing naman dito ako lalong nawiwirduhan........

madami ang taong nakipag libing...pero minsan nagtataka ako bakit sila nandoon..,

nandun ba sila para dumamay o para tingnan kung sino ang best actress sa iyakan....

pag malakas ang iyak mo sasabihin ng mga tao "hu iyak iyak pa siya" o kaya naman ay "siguro malaki pagkukulang niya o may kasalanan siya kaya siya iyak ng iyak"

pag di ka naman umiiyak "ano ba naman yan wala man lang emosyon" o kaya "di niya siguro mahal"

actually nasasabi ko to dahil biktima ako niyan ..2 times na nga eh nung una nung namatay mama ko and yung ngayon na ang papa ko na yung namatay...

iyakin akong tao pero ewan ko ba kung bakit pag sa totoong buhay ko na yung drama di ako umiiyak...

nilibing si papa kanina di ako nakitaan ng luha ng mga tao...maski naman nung nilibing ang mama ko eh ganun din...

siguro iniisip ng iba masama akong anak dahil di ako lumuluha...

bakit ano ba ang alam nila....??

maski bf ko sinabi sa akin na okay naman umiyak....
oo okay naman talagang umiyak eh pero di ko naman siguro mapipilit ang sarili ko na umiyak....

wala naman sa dami ng luha mo maipapakita ang kalungkutan at ang pagdadalamhati eh...

may mga tao na akong nakilala na iyak ng iyak minsan eh nagwawala pa pag nililibing ang kanilang mga mahal sa buhay eh....

pero pag katapos ng libing ayun nagwala na at di mo na makikitaan ng kalungkutan.....
-------------------------------------------------

naghihintay ako ng ulan...isasabay ko na lang lahat ng sakit ant lungkot na nararamdaman ko..

dahil sa ulan walang makakaalam at makakakita ng luha napapatak sa aking mga mata.....

Thursday, June 01, 2006

tuesday!!!

june 01 ko na sinulat to because according to mike he will not read my MAY entries baka daw kung ano pa mabasa niya .....well totoo naman hehehe

nung Monday nagpunta siya sa UE para mag bayad sabi ko sa kanya samahan niya ko sa Pampanga kaya lang nag away muna kami as in AWAY talaga

may drama pa ko na wag na lng niya ko samahan at di ko siya itetext hehehe...

TUESDAY

i woke up at around 6:30 ata yun pero ang tamad ko pa ring bumangon kaya lang walang choice hehehe

nagluto ako ng pancit canton (Lucky mE) at naglaga ng egg hahaha
i'm proud of myself kasi yung hardboiled egg ko okay yung pagkakaluto hahaha

then sinindihan ko yung TV at naiisip kong tawagan si mike kaya lang nung dialing na siya "call not allowed" AMP talaga ang SUNCEL pero okay na din at least di nakaconnect hahaha

tapos ayun naramdaman ata niya na gusto ko siya isama ayun bigla siya nagtext hahaha saya saya ko talaga ayun naligo na ko double check ko yung mga gamit ko baka may kulang hahaha

di pa namin alam kung saan kami magkikita ni mike


tapos nung paalis na ko tinanong ako ng tita ko kung may bayad yung test heehee ayun nasabi ko din binigyan niya ko ng additional na pera

nagpunta ako sa bayan para magpa photocopy ng TOR eh katapat lang nun yung Mcdonald's so tinext ko siya na sa Mcdo na lang kami mag meet ayun na tempt ako na mag Order kaya nag order ako ng hash brown (tama ba spelling?) and hot choco.....

ayun kumain ako dumating na siya hindi ko pa ubos yung kinakain ko dinala ko na lang yung hot choco ko...

sumakay kami ng RABBIT nung una di pa kami nag uusap ng matino eh nagsungit siya nakipagayos na ko

bumaba kami sa DAU at ayun naghingi ako ng 5 pesos sa kaniya kasi alam niyo na CALL of NATURE....sa totoo lang ayoko sa public CR kaya lang no choice eh nagulat na lang ako dahil malinis pala dun hehehe

sumakay kami ng tricycle papuntang PULUNG BULO ata di ako sure sa spelling eh..
pero badtrip di rin pala alam nung driver yung pupuntahan namin nagtanung siya sa gas station so ayun nakapunta din kami and sobrang thankful ako kasi kasama ko si mike pero ayun siningil kami ng 120 grabe ang mahal talaga!!!!!

ang haba ng pila kakaloka buti na lang may nakita akong kakilala

nagline na ko....kasama ko si mike ayun dinaldalan kami ng mga ka line ko

nung una akala nila Educ . din si mike at nakaline din ayun sinabi niya dun sa Carol na di siya educ. at sinasamahan niya lang ako

bumili siya ng Nestea yung patalastas eh yung summer tapos nung ininum niya yun eh bigla siya nagpunta sa ALaSka... hahaha

nung una akala ng mga tao magkapatid kami hehehe at ehem KUYA ko daw siya hehehe

ayun natuklasan din nila na mag-on kami

ayun ang haba talaga ng line nakarating din ako sa harap

badtrip mga taga PRC shit ang susungit

"ako pa ba maglalabas ng requirements mo??" eh nagaayos pa ko niyan huh hay boosit siya
"fill up mo to" so ayun sumunod ako tapos biglang birit na " di dito dun sa baba" aba poota siya kung nakasumpong lang ako kahapon shit papatulan ko siya!!!! GRRRRRRRRRR!!!!!!!!

tapos ayun nag fill up ako sa tulong ni mike nagbayad ako and sabi ko pagline niya na ko sa issuance tapos nag line ako sa bayaran...

1000 na buo yung pera ko eh 900 lang yung babayaran so inabot ko yung pera ko
hinintay ko yung sukli ko...

tapos bigla akong binanatan ng "miss anu pang ginagawa muh diyan?" in a masungit na way so ayun puta nag init na ulo ko tangina niya talaga "hinihintay ko lang naman po yung sukli ko" sagot ko in a masungit way din aba poota kung marunong silang mabadtrip ako din!!!

at saka pede ba lahat kami pagod buti nga sila naka electricfan eh!!!

tapos pumunta na ko kay mike nasa kalahati na siya ng line....

ayun nagtanung tanung sila carol ng

"lan taon na kayo??"
"ang cute ng bf mo"
"magkamukha kayo siguro kayo na yung magkakatuluyan"

mga ka charingan

yung sa huli na buti na lang medyo sa kalamdong tao na ko napunta...

nagyaya ako sa SM clark kahit masakit na mga paa namin hehehe

kumain kami sa KFC

lakad lakad...........

tapos uwi na...........
............................................................
happy talaga ako kasi sinamahan niya ko kahit lam namin na mapapagalitan siya

at nga pala gusto daw niya talaga makipagkita sa akin kasi sa text daw di ako nakakausap ng matino eh heheehe

------------------------

love you bhe muahhhhh

-------------------------

a man can steal and kill but can still say the sweetest words