Sunday, June 04, 2006

the great PRETENDER

"the sadder i am inside, the more i go out of my way to make other people happy." http://nobe112681.blogspot.com/

wala nag blogleap lang ako and i happened to read this entry.......totoo naman eh

and i just realized that we live in a world where you can't show your true self...coz if you do people will hate and curse you....


my father died last thursday...and people who heard the news always ask these questions

"anu kinamatay?", "bakit namatay?", well those quetions are answerable naman di ba??kasi these are based on facts.........


kaya lang ito ang pinaka kontrobersyal na tanung:

"okay ka lang ba?"

kasi pag sinagot mo "okay lang ako" people will think na masaya ka pa dahil namatayan ka...
pag sinagot mo naman ay "hindi" sasabihan ka naman ng "kaya mo yan"

ano ba talaga ang gusto nilang isagot mo...??

sa libing naman dito ako lalong nawiwirduhan........

madami ang taong nakipag libing...pero minsan nagtataka ako bakit sila nandoon..,

nandun ba sila para dumamay o para tingnan kung sino ang best actress sa iyakan....

pag malakas ang iyak mo sasabihin ng mga tao "hu iyak iyak pa siya" o kaya naman ay "siguro malaki pagkukulang niya o may kasalanan siya kaya siya iyak ng iyak"

pag di ka naman umiiyak "ano ba naman yan wala man lang emosyon" o kaya "di niya siguro mahal"

actually nasasabi ko to dahil biktima ako niyan ..2 times na nga eh nung una nung namatay mama ko and yung ngayon na ang papa ko na yung namatay...

iyakin akong tao pero ewan ko ba kung bakit pag sa totoong buhay ko na yung drama di ako umiiyak...

nilibing si papa kanina di ako nakitaan ng luha ng mga tao...maski naman nung nilibing ang mama ko eh ganun din...

siguro iniisip ng iba masama akong anak dahil di ako lumuluha...

bakit ano ba ang alam nila....??

maski bf ko sinabi sa akin na okay naman umiyak....
oo okay naman talagang umiyak eh pero di ko naman siguro mapipilit ang sarili ko na umiyak....

wala naman sa dami ng luha mo maipapakita ang kalungkutan at ang pagdadalamhati eh...

may mga tao na akong nakilala na iyak ng iyak minsan eh nagwawala pa pag nililibing ang kanilang mga mahal sa buhay eh....

pero pag katapos ng libing ayun nagwala na at di mo na makikitaan ng kalungkutan.....
-------------------------------------------------

naghihintay ako ng ulan...isasabay ko na lang lahat ng sakit ant lungkot na nararamdaman ko..

dahil sa ulan walang makakaalam at makakakita ng luha napapatak sa aking mga mata.....

No comments: